The Official Website of the City Government of Dagupan

DAGUPAN CITY, MULING PINARANGALAN BILANG ‘BEST ENVIRONMENTAL PARTNER’ NG DENR

Muling kinilala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 1 ang lungsod ng Dagupan bilang “best of the best” eco partners ng ahensya kasabay ng “𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗛𝗔-𝗦𝗔𝗡” Philippine Environment Month 2025.

Dahil ito sa mga naging hakbang natin sa pangangalaga sa kalikasan, partikular sa pagtatatag ng foreshore management plan na nagbabawal sa mga “untenured” o “unothorized occupants” sa tabing dagat o foreshore area ng Tondaligan Blue Beach, at sa pagbibigay solusyon sa 60-year-old garbage crisis sa Dagupan.

Personal nating tinaggap ang pagkilala mula mismo kay DENR ASEC for Quality Management Atty. Daniel Darius M. Nicer, CESO II at DENR Region I sa pangunguna ni Regional Executive Director Atty. Crizaldy M. Barcelo, CESO Ill.

Kasama natin sa pagtanggap ng award ang atin ring mga partners sa programa na sina Atty. Gil Aromin, Waste Management Division Chief Kap Bernard Cabison, Kap. Pheng delos Santos and Kgd Rochelle Tamayo sa ating Goobye Basura inititives with Holcom Philippines, DENR-CENRO Ofiicer Engr. Noriel Nisperos, Young City Mayor Mark Gabriel B. Caampued and Young City Information Officer, Sean Andrei F. Castro.

Sunod na po dito ang mga plano sa turismo, eco park, redevelopment ng tondaligan, surfing area at maraming pang iba, FROM DUMPSITE TO FUN SITE!

Kapartner ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at Holcim Philippines Inc., tuloy-tuloy ang ating commitment para sa #GoodbyeBasura Program.

Patunay po ang mga pagkilalang ito na nagbibigay pansin sa ating seryosong pagkilos at pagtapos sa problema ng basura sa lungsod.

To our environmental partners from the DENR,

Maraming Salamat po!

 

https://www.facebook.com/mbtfpage/posts/pfbid02eUYd7irzWccmt8YmAAmcQFUWhaBeZiN97kg2BVyfbkUVYHGwUrMVHEdJhPPR4yyJl

Related Articles

28 July 2025
𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗕𝗢𝗞 RELIEF OPERATIONS TO CALAMITY-HIT FAMILIES IN THE BARANGAYS
28 July 2025
EMERGENCY DECLARED: DAGUPAN NOW IN STATE OF CALAMITY
28 July 2025
𝗥𝗘𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗨𝗜𝗡𝗦: 𝗧𝗵𝗲 𝟭𝟵𝟵𝟬 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗲𝗮𝗿𝘁𝗵𝗾𝘂𝗮𝗸𝗲—𝟯𝟱 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗹𝗮𝘁𝗲𝗿