Mula mismo sa ating mga kabataan, nais naming marinig ang kanilang mga prayoridad at malaman kung ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan para sa kanila. Ngayong hapon, sa naging dialogue kasama ang ating kabataan, tinalakay at pinag-usapan ang mga sumusunod:
* Scholarship Program
* assistance for students/their families can avail from the LGU
* Flood mitigation plans and projects of Dagupan LGU
* Traffic concerns (route for easier access of transportations for students, pedestrian safety
* mental health and teen’s overall psychological well-being
DAHIL PRIORITIY PO NG ATING SIYUDAD ANG EDUKASYON,
* Ating inangat sa P230 Million ang pondo sa scholarship program. Ito ay upang masiguro na walang batang dagupeño ang maiiwan sa pagaaral.
* Ibinalik at pinalakas natin ang mga programa ng Teen Center para may ligtas at makabuluhang espasyo ang kabataan.
* Tinututukan natin ang support for education sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong public school buildings – multi-storey, modern, at matibay. Papalitan natin lahat ng lumang kahoy na classrooms. Mayroon na tayong bagong science laboratories, upgraded libraries with new books, tables and chairs, air-conditioned classrooms, at smart TVs.
* At hindi rin tayo nagkukulang sa suporta para sa academic, athletic, journalism, and cultural events – saan man makarating ang ating mga estudyante, local, regional, national, Asian, o world competitions, nariyan ang Dagupan City para tumulong sa allowances, participation support, victory incentives.
Mas magiging makabuluhan ang mga proyektong ito kung nakaugat ang mga programa base sa inyong tunay na pangangailangan.
Lahat ng ito ay isasama natin sa ating Local Youth Development Plan, sa Barangay Youth Development Plans, at sa mga Youth Investment Programs. Sa paraang ito, siguradong bawat hakbang ng pamahalaan ay tugma sa boses ng kabataan.
Kayo ang inspirasyon at pag-asa ng ating lungsod. Your voices matter, your dreams matter, and your future is our mission.
https://www.facebook.com/mbtfpage/posts/pfbid02iHPuZLEdZsTg25U5KfuY6GmHCHrPtaHhkaHycw4HCQuHtPiNcbAdQaXLjckeofUrl