The Official Website of the City Government of Dagupan

YOUNG CITY OFFICIALS & DEPT. HEADS, BIDA SA KAMPANYA VS. ILLEGAL DRUGS

BIDA ang mga young city officials & department heads sa naganap na Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan Fun Run MYK Edition sa pangunguna ni Young City Mayor Princess Johnelle Baniqued bilang counterpart ni Mayor Belen Fernandez ngayong umaga.

Kasama ang DILG Dagupan sa pangunguna ni City Local Government Operations Officer Royolita Rosario at DepEd Schools Division Office, Education Program Supervisor Liezl Cancino at mga MYK facilitators, maagang nagsama sama ang mga MYKs para sa fun run na sinundan ng lecture on the DILG National Anti-illegal Drugs Campaign ni Secretary Benhur Abalos.

Sa mensahe ni Mayor Belen, inaasahan ang mga MYKs na mangunguna sa pagsusulong ng programa kontra illegal na droga sa kani-kanilang paaralan.

Alinsunod ito sa layunin ng BIDA program na hindi lamang limitado sa iisang aksyon ang laban sa iligal na droga.

Ani nga ni Sec. Abalos, “The main purpose of the BIDA Fun Run is not the activity itself. Simula lang po ang BIDA – ang totoong mithiin ay ang pagpapatuloy ng kampanya ng mga LGUs even after the event has passed.”

Ito rin ang hinihikayat ni Mayor Belen sa Dagupan LGU sa pagkakaroon ng BIDA workplace sa mga empleyado ng lokal na gobyerno.

(Dagupan CIO News)

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid02XLsZpiF5atp7tFEXxwkeq3CyKjh244g2jrzytVJftr6TbVEVZP2cMtNnLUbJWYhal&id=100047171018871

Related Articles

13 September 2024
DAGUPAN RECEIVES NEW AMBULANCE
1 September 2024
FILINVEST'S FUTURA ONE HOLDS TOPPING-OFF FETE
6 August 2024
LGU-DAGUPAN SIGNS MOA WITH DOJ, PNP, R1MC TO STOP DOMESTIC AND FAMILY VIOLENCE