The Official Website of the City Government of Dagupan

Upgrading ng Don Jose Calimlim Road (Callejon Street) sa Brgy. Pogo Chico, Inihahanda Na

Tuloy ang infrastructure projects sa Dagupan na nirequest ni Mayor Belen Fernandez mula sa mga ahensya at nasyonal na gobyerno.

Isa dito ang P20 Million pondo mula sa tanggapan ni Sen. Francisco Tolentino para sa gagawing upgrading of PCC Pavement and Drainage System sa Don Jose Calimlim Road (Callejon St.) sa Brgy. Pogo Chico.

Sa naganap na meeting nina Mayor Belen kasama ang DPWH Region 1 Planning Section nitong Miyerkules (January 25) kanilang ipinahayag na dumating na ang naturang pondo at inihahanda na program of works and detailed estimate para masimulan ito.

Kasama ang City Engineering Office, tinungo na rin ni Mayor Belen at DPWH ang lugar para sa site inspection at pag validate sa proposed project.

Ayon kay Mayor Belen, isa ang Brgy. Pogo Chico sa mga grabeng naaapektuhan ng pagbaha tuwing bagyo o tag-ulan.

Inaasahan aniya na maiibsan nito ang pagbaha sa lugar pagkatapos ng proyekto.

Related Articles

27 November 2024
DAGUPEÑO ATHLETES JOIN BATANG PINOY 2024, BAGS MEDALS IN BP AND UAAP SWIMMING TOURNAMENT
21 November 2024
DAGUPEÑO CENTENARIAN RECEIVES 100,000 PESOS
20 November 2024
CITY TURNS OVER AGRICULTURAL MACHINERY TO LOCAL FARMERS