The Official Website of the City Government of Dagupan

PLTCOL Brendon Palisoc, Bagong Police Chief ng Siyudad

Pormal na sinalubong ng lokal na pamahalaan at ng buong hanay ng kapulisan sa Dagupan ang bagong talagang hepe ng Dagupan City Police Station na si PLTCOL Brendon Palisoc.
Pinalitan ni PLTCOL Palisoc si PLTCol Vicente Castor Jr. sa naganap na turn-over ceremony nitong Lunes, May 8.

Si PLTCOL Palisoc ay dating nagsilbing Provincial Human Rights Officer ng Pangasinan Police Provincial Office at dati na ring naglingkod bilang deputy chief ng siyudad.
Pinangunahan ni PCol. Jeff Fanged, Provincial Director ng Pangasinan, ang naganap na change of command sa Dagupan PNP.

Ipinaaabot naman ni Mayor Belen Fernandez ang kanyang pasasalamat sa naging masigasig na suporta ng kapulisan sa rehiyon sa pamumuno ni PNP R1 PBGen John Chua, at mula sa siyudad sa pangunguna ni PLTCol Castor sa katatapos lamang na Bangus Festival, lalo na noong April 30 sa magkakasunod na apat na malalaking events sa siyudad.

“Hindi magiging posible ang buong selebrasyon ng Bangus Festival na dinagsa ng humigit kumulang 600,000 attendees kung wala ang inyong suporta.” pahayag ng alkalde.
Umaasa din si Mayor Belen na sa bagong liderato ni police chief Palisoc, maipagpapatuloy ang pagpapanatili ng siyudad bilang “one of the safest community to live in, to make business and to raise a family.”

(Dagupan CIO News)

Related Articles

24 June 2024
77th Agew na Dagupan: Pamagalang ed Pamilya
24 June 2024
SUNRISE WEDDING, PERFECT MOMENT TO EXCHANG I DO’s
24 June 2024
300 COCONUT SEEDLINGS PLANTED ON DAGUPAN DAY