The Official Website of the City Government of Dagupan

Pinangunahan rin ni Senator Imee Marcos ang Christmas Lighting Ceremony

SHINE BRIGHT LIKE A DIAMOND.

Pinangunahan rin ni Senator Imee Marcos ang Christmas Lighting Ceremony sa Quintos Bridge at giant Christmas Tree sa City Plaza bilang opisyal na pagsalubong sa selebrasyon ng kapaskuhan sa Dagupan.

Ngayong taon ang Diamond Jubilee celebration ng Dagupan bilang lungsod na siyang inspirasyon sa pinakaaabangang dekorasyon at pailaw sa Quintos Bridge at sa City Plaza.

Excited na sumabay sa countdown ang mga Dagupeño na kasamang dumalo at sinaksihan ang inihandang concert sa City Plaza tampok ang live performances nina The Voice Kids (Season 1) Grand Champion, Lyca Gairanod, Bandang Lapis at iba pang mga local bands.

Iba’t ibang aktibidad pa ang inihanda ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez kaugnay ng year-long celebration ng 75th Diamond Anniversary ng cityhood of Dagupan.

(Dagupan CIO News)

Related Articles

22 July 2024
DAGUPAN CITY AWARDED BILANG "BEST ENVIRONMENTAL PARTNER" NG DENR!
8 July 2024
Unaen su Baley: 2024 State of the City Address
24 June 2024
77th Agew na Dagupan: Pamagalang ed Pamilya