The Official Website of the City Government of Dagupan

CHILD HEALTH ADVOCATE PROGRAM KATUWANG ANG MGA MAG-AARAL AT DEPED INILUNSAD

Muli nang inilunsad nitong Martes (June 13) ang Child Health Advocate Program ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez.

Layunin nito na mapalawig pa ang paghatid ng serbisyong pangkalusuhan sa bawat pamilyang Dagupeño.

Saad ni Mayor Belen, “We want to bring government services closer to more people.”

Ang Child Health Advocate program ay sinimulan ng alkalde noong kaniyang unang termino kapartner ang Department of Education (DepEd) at mga mag-aaral o ‘advocates’ kung saan i-re-report nila sa guro ang kalagayan ng kanilang ka-pamilya na may karamdaman at nangangailangan ng atensyong medical.

I-co-coordinate naman ito ng mga guro o principal sa City Health Office (CHO) sa pangunguna ni Dr. Ophelia Rivera para sa agarang assessment at treatment sa CHO katuwang ang mga frontliners tulad ng mga doctors, barangay nurses, barangay health workers at iba pa.

Bukod sa Child Health Advocate patuloy rin ang Home Visitation kung saan bumibisita sa mga tahanan si Mayor Belen kasama ang mga health frontliners upang personal na makita at matulungan ang mga residente na may karamdaman nguni’t hindi makapagpagamot dahil sa kahirapan.

Ilan lamang ito sa ‘Alagang Healthy Dagupeño’ programs ni Mayor Belen kabilang pa ang FREE medical services ng CHO tulad ng X-ray, lab tests, CT-Scan, ECG at ultrasound sa Dagupan City Diagnostic Center.

(Dagupan CIO News)

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid02TaEMQKna7S5yEhHWC6GS9yaSJZvv2BbPuyQsWM67uhkyo8kosMrLXMveYwjxs7V5l&id=100047171018871

Related Articles

13 September 2024
DAGUPAN RECEIVES NEW AMBULANCE
1 September 2024
FILINVEST'S FUTURA ONE HOLDS TOPPING-OFF FETE
1 September 2024
DAGUPAN FOSTERS TIES WITH 'SISTER' IWATA CITY