The Official Website of the City Government of Dagupan

Certified Palay Seeds mula DA at LGU-purchased Seed Program Ipinamahagi sa mga Magsasaka

Walumpong (80) rice farmers sa Dagupan ang tumanggap ng Certified Palay Seeds umaga ng Miyerkules, May 10.

Ang programang ito ay hatid ng Department of Agriculture, Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) at karagdagang pondo mula sa lokal na gobyerno sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez, bilang suporta sa food security agenda ng Pangulo at DA Secretary Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon sa City Agriculture Office, may kabuuang 160 bags ng certified palay Seeds @ 20kg/bags ang ipinamahagi sa mga magsasaka mula Barangay Bonuan Boquig (7 rice farmers), Malued (17 rice farmers), Tebeng (29 rice farmers), at Salisay (27 rice farmers).

Kasabay ng Farmers’ and Fisherfolk’s Month celebration ngayong buwan ay tumanggap din kahapon ang mga mangingisda ng mga bangus fingerlings para sa nauna nang iti-nurn over na limang collapsible fishcages mula BFAR.

Samantala, pinaalalahanan rin ni Mayor Belen ang mga ito na magingat sa init ng panahon. Uminom lagi ng tubig para iwas sa banta ng heat stroke.

(Dagupan CIO News)

Related Articles

25 September 2023
HEALTH SERVICES EXPANSION EYED IN DAGUPAN AS MATERNAL AND CHILDREN'S HOSPITAL SOON TO RISE
25 September 2023
DILG CONFERS MOST OUTSTANDING SP MEMBER TITLE TO COUN. MICHAEL FERNANDEZ
25 September 2023
BRGY. MALUED CAPTAIN PHENG DELOS SANTOS CHOSEN AS DANGAL NG BAYAN AWARDEE