The Official Website of the City Government of Dagupan

UNANG BATCH NG 6,000 SCHOLARS NG SIYUDAD TUMANGGAP NG KANILANG SCHOLARSHIP GRANT

Total of 2,630 scholars ng siyudad, kasama ang kanilang magulang ang tumanggap ng scholarship grant mula sa lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez, nitong Linggo (August 10), bilang unang batch ng mga scholars ngayong SY 2025-2026.

Matatandaan na mula sa dating 5,000 scholars, itinaas ng lokal na pamahalaan sa 6,000 ang bilang ng mga scholars ng siyudad. Sa suporta ito ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor BK Kua at buong majority council. Ito ay upang mas marami pang kabataang may pangarap ang mabibigyan ng pagkakataon at matulungang makatapos.

“Walang bagyo o pagsubok ang makakapigil sa inyo sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Nandito kami bilang inyong kaagapay sa bawat hakbang ng inyong pag-aaral.” mensahe ng alkalde sa patuloy na suporta ng siyudad sa edukasyon at pagtupad sa pangarap ng mahihirap na kabataang Dagupeño.

Kasabay ng payout ay tinanggap din ng mga nagsipagtapos na scholars with Latin Honors ang kanilang incentive na nagkakahalaga ng P10,000 (Magna Cum laude) at P5,000 (Cum Laude) sa ilalim ng scholarship program ordinance ng siyudad.

Kabilang sa panibagong batch ng mga outstanding scholars ng siyudad sina:

1. Conception, Natasha B. (Barangay Pantal)

-CUM LAUDE

  1. Navarro, Monica Anne P. (Barangay Carael)

-CUM LAUDE

  1. Pacaña, Vincent M. (Barangay Lucao)

-CUM LAUDE

  1. Royeca, Kayla Marie M. (Barangay Pob. Oeste)

-CUM LAUDE

  1. Sandoval, Mark Kevin J. (Barangay Lucao)

-CUM LAUDE

  1. Sanio, Matt Ceazar O. (Barangay Pob. Oeste)

-MAGNA CUM LAUDE

  1. Ulanday, Hera Ezra Amor R. (Barangay Malued)

-MAGNA CUM LAUDE

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid02fcCZKsbyQKXQT1TYPkXgaPGkcQFWuciGBvbmvQ4XsMJzqpeSYFwBbUpgdMGkdoFWl

 

Related Articles

10 February 2026
A PROUD SON OF DAGUPAN: THE LIFE AND LEGACY OF FIVE TIME SPEAKER JOSE DE VENECIA JR.
9 February 2026
FROM FRIENDSHIP TO OPPORTUNITIES: IWATA’S BUSINESS LEADERS MEET DAGUPAN OFFICIALS
28 January 2026
2026 CHILDREN'S SUMMIT INTENSIFIES ADVOCACY FOR KIDS' RIGHTS AND SAFETY