Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at Department of Health Ilocos Center for Health Development (DOH-CHD1) idinaos ang Training of Trainers for Mental Health Gap Action Program for Community Health Workers (Tuon, Tukoy, Tugon) in line with our SAFEnet Program dito sa E-Library.
Bilang frontliner, layon ng pagsasanay na ito ay maging equip ang ating mga Barangay Health Workers upang mas magkaroon ng malalim na kaalaman sa mental health condition at mga tamang pamamaraan kung sakaling makasalamuha sila ng sinumang may pinagdaraanan. Maaari ito ay inyong mga anak, kapitbahay, katrabaho o kaibigan.
Kasama natin si Ms. Ayj Langit, psychometrician from DOH upang pangunahan ang pagsasanay na nagsimula kahapon at nakatakdang matapos ngayong araw.
Kasama rin na nagbigay ng lecture sina Dra. Jam Caldona at Nurse Rudolph Joseh Guillen, ang ating mga mental health coordinators mula sa City Health Office, at BHW Focal Person Ms. Tere Raga.



