We are still currently working on the responsive (mobile and tablet) versions of this website. Please access this website using a desktop or a laptop for the meantime. Thank you!

Tondaligan Beach handang-handa na sa pagdagsa ng mga beachgoers ngayong Undas

DAGUPAN CITY – Handang-handa na ang Tondaligan Beach para sa inaasahang pagdagsa ng mga beachgoers ngayong weekend na natapat sa paggunita ng Undas.

Ayon kay Tondaligan Park administrator Dante “Jhun” Cadiz, 30 lifeguards ang magmamanman sa kahabaan ng beach simula bukas, Oktubre 31, upang bantayan ang mga beachgoers at kagyat na makaresponde ang mga ito sa ano mang emergency.

“Itong mga lifeguards natin ay physically-fit at nagsanay sila para sa mga parating na maraming turista dito sa ating beach,” ayon kay Cadiz.

Maliban sa mga lifeguards, sinabi ni Cadiz na tutulong din ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine National Police para sa crowd control at pagbibigay ng first aid.

Marami rin daw volunteers mula sa iba’t-ibang non-government organizations ang tutulong.

Sinabi rin ni Cadiz na naka-posisyon na ang mga jet ski at bisekleta na gagamitin sa rescue kung kinakailngan.

“Malaking tulong po ang binigay ng PNP sa ating na bike dahil mas mabilis po tayong makapag-responde sa ating mga beachgoers,” ayon kay Cadiz.

Noong Sabado, ang Dagupan police, sa pamumuno ni Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr., ay nagbigay ng limang bisekleta para sa mga lifeguards.

Sinabi rin ni Cadiz na naglagay na sila ng mga buoys na magtatakda sa hangganan kung saan maaaring lumangoy ang mga beachgoers.

“Okay lang ang magsaya, basta’t siguraduhin lang na uunahin ang disiplina at babantayang maigi ang mga batang kasama,” ayon kay Cadiz. (/DagupanPIO)