We are still currently working on the responsive (mobile and tablet) versions of this website. Please access this website using a desktop or a laptop for the meantime. Thank you!

Thinking Out Of The Box

(Message of Mayor Brian Lim during the flag-raising ceremony on November 25, 2019 at the Dagupan City Police Station compound.)

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Alam niyo po bago ako dumating dito, for some reasons, naisip ko po iyong isang proyekto na ginawa ng aking mga ksamahan sa Jaycees sa bansa ng Bangladesh.

Ito pong ginawa nila sa kanilang siyudad, sa Dhaka, ang kanilang capital city. Ito po talaga iyong nagbigay sa kanila ng pangalan bilang isang organisasyon ng Jaycees sa Bangladesh.

Ang ginawa po nila, napansin po nila na napakalaki ng problema ng Bangladesh sa pagtatago ng mga nakukuhang dugo mula sa mga blood donations.

Iyon pong mga dugo na nakokolekta nila ay hindi nagtatagal dahil iyon pong karamihan ng mga ospital doon ay walang refrigeration system. Hindi po nila naitatago ng mabuti at nai-store mabuti iyong mga dugo ng nakokolekta.

At ang nangyayari po ay nasasayang lang po ito dahil kapag hindi nare-refrigerate iyong dugo, alam naman po natin ay hindi na magagamit at hindi na maitra-transfuse sa mga pasyente na nangangailangan ng dugo.

Ang ginawa po nilang proyekto ay simple lang. Nag-survey po sila ng mga tao sa Dhaka at tinanong ang blood type nila at hiningi ang cellphone number ng mga taong iyon.
Pagkatapos noon, kung mayroong nangangailangan ng dugo, 24 hours or 48 hours before iti-text lang po nila kung ano iyong blood type na kailangan.

So may listahan po sila ng blood type na A,B,O at kapag kailangan na po iyong dugo, magti-text blast lang po sila at darating na po iyong mga boluntaryong magpupunta ng ospital para makuhanan ng dugo at magamit kinabukasan.

Hindi po ba napakalaking problema pero napaka-simple ng solusyon?

Naisip ko po ito noong pinag-iisipan ko iyong mga problemang dapat nating resolbahin sa ating siyudad. Napakarami po ng mga issues na dapat po nating bigyang pansin.

Kailangan ko pong iparating sa inyo na kailangan natin ng tinatawag na creative thinking o iyong thinking out of the box, iyong hindi pangkaraniwang solusyon, iyong hindi natin agad naiisip. At napaka-importante nito lalo na sa ating iba’t ibang departamento.

Sa mga nakikita natin, how can we resolve these problems through creative thinking or thinking out of the box?

At dahil po sa hamon na ito, natandaan ko po iyong kwento na narinig ko a long time ago. Ito po iyong kwento ng isang hari na bulag ang kaliwang mata at putol ang kaliwang paa.

Noong naglalakad iyong hari sa kaniyang palasyo nakita niya iyong kahabaan ng portrait ng lahat ng mga naunang mga hari. Lahat sila may mga portrait, mga painting.

At siya bilang isang hari ng kasalukuyan, gusto rin niyang magpa-gawa ng sarili niyang painting.

Kaso naisip niya: Paano naman ako ipa-paint eh bulag ang kaliwang mata ko at putol pa ang kaliwang paa.

So ang ginawa ng palasyo, nagpatawag ng napakaraming pintor sa buong kaharian. At lahat po ng dumating na pintor, isa-isang hindi pumayag na gumawa ng painting dahil naisip nila, “Paano ko naman papagandahin sa painting o papa-gwapuhin iyong anyo ng ating hari eh bulag ang kaliwang mata at putol ang kaliwang paa.”

Isa-isa silang nag-surrender at sabi nila, “Pasensya na po hindi namin kayang gawin iyan.” Except for one painter na tinanggap niya iyong hamon ng hari na gumawa ng portrait ng isang taong bulag ang kaliwang mata at putol ang kaliwang paa.

At ang kanyang ginawa, sinabi niya na kaya niyang gawin iyon. Mga isang buwan niyang ginawa iyong painting. Walang ibang nakakita ng kaniyang ginawa.
Noong bumalik siya sa palasyo, ipinakitaa niya sa hari sabi niya, “Ito po iyong aking ginawa.”

Ang ginawa po niya, iyong hari nakasakay sa kabayo at iyong kanang side niya lang po ng nakikita. Siya po ay pumapana gamit niya iyong kanang mata at kita ang kaniyang paa. Hindi po kita iyong kaliwang side niya.

So sa painting na iyon, iyong painter na iyon ay nakagawa ng paraan na kahit may kapansanan iyong ay nai-drawing niya ng tama at pwede niyang isabit doon sa palasyo for everyone to see and appreciate how great the king was.

Iyan po ang isang ehemplo ng creative thinking and thinking out of the box. Kung saan maraming nag-give up dahil hindi nila maisip kung paano, pero may isang naglakas ng loob nag awing iyong kaniyang idea at nai-represent niya iyong hari ng tama iyong hari sa isang napakagandang litrato.

That is creative thinking and thinking out of the box.

Maraming salamat po at magandang umaga sa inyong lahat!