We are still currently working on the responsive (mobile and tablet) versions of this website. Please access this website using a desktop or a laptop for the meantime. Thank you!

Sinserong Serbisyo para sa Taumbayan

(Message of Mayor Brian Lim during the flag-raising ceremony on February 3, 2020 at the PNP grounds)

Magandang umaga po sa ating lahat! Ito po ang unang flag ceremony sa buwan ng pagmamahal.
Noong nakaraang linggo marami pong nangyari sa ating siyudad na kinakailangan ko pong bigyan ng pansin.
Una sa lahat, sa Barangay Carael nagkaroon po tayo ng implementation ng tinatawag nating Department of Agriculture order na kung mayroon pong threat ng African swine fever ay kailangang i-implement ‘yong protocol. At hindi lamang po iyong mga infected na baboy ang papatayin kung hindi pati na po iyong mga baboy sa katabi dahil baka may chance po na sila ay infected.
Isa po itong mahirap na operation dahil marami po tayong kausap — ‘yong mga barangay officials, mga may-ari ng baboy — at naglabas din po ang siyudad ng konting pambayad doon sa mga baboy na papatayin para hindi po kumalat ‘yong African swine fever.
Para po sa inyong kaalaman, ang African swine fever ay nanggaling po sa barangay [sa may Binmaley] na katabi ng Barangay Carael. Binabanggit ko po ito ngayon dahil isa po itong mahirap na operasyong gagawin.
At masasabi ko pong laging nagtatagumpay ang ating mga operasyon dahil sa hard work na ipinapakita ng ating City Veterinary Office, sa pamumuno ni Dr. Michael Maramba, sa operasyong kanyang ginawa sa Carael.
Palakpakan po natin si Dr. Maramba.
Noong nakaraang linggo din po, ang ating Waste Management Division, sina Teddy Villamil ay ipinapatupad na po nila ang ‘No Segregation, No Collection Policy’ sa mga barangay at totoo po ang sinasabing napakahirap din po nitong gawin dahil kung minsan, kinakailangan pong sa ating mga bahay magsimula ang disiplina sa segregation dahil nahihirapan po ang barangay officials natin at ganoon din po ang ating Waste Management Division.
Ngunit noong isang araw, napadaan po ako sa Barangay Malued, sa may istasyon ng GMA 7, at pagdaan po ng sasakyan ay napalingon ako sa kaliwa at nakita ko pong may mga nagse-segregate ng mga basura. Hindi po sa bahay sine-segregate kung hindi doon po mismo sa barangay at nakita ko po na ang nagse-segregate ay ‘yong mismong kapitan po ng Barangay Malued – si Kap. Delos Santos.
Kung alam niyo po ang history namin politically, never po kaming nagsama. But, it is very important that today in this flag raising ceremony, I have to recognize her dahil kapitan po siya ng isa sa malalaking barangay ng Dagupan City, ngunit siya mismo po ay ginagawa niya ang kanyang trabaho dahil ‘yan po ang naging policy ng ating administrasyong ito.
Palakpakan po natin si Kapitan Delos Santos.
At huli na gusto ko pong ibahagi sa inyo, ito pong mga tent na nakikita ninyo ngayon, dito po sa opisina ng GSO, mayroon po tayong mga kasamahan diyan na sila po ang nagtatrabaho upang itayo ang mga tent kung may patay, atbp.
Nagkataon pong iyong golf course natin sa Bonuan ay nagkaroon po sila ng tournament at ‘yong kanilang presidente ay humiram ng tent. Normal naman pong may humihiram sa atin ng tent at nagpadala po ang GSO ng tent sa kanila sa Bonuan.
Pagkatapos ng tournament, mayroon po tayong isang kasamahan dito sa GSO na nangolekta ng mga tent para ibalik dito sa munisipyo. Noong inaabutan po siya ng P1,000, ito pong taong ito ang sabi niya, “Ma’am, hindi na po dahil ginagawa lang po namin ang trabaho namin.” Hindi po niya kinuha ‘yong perang inaabot sa kanya. Ang tao pong ito ay taga-Caranglaan na nagngangalang Joseph Claveria.
Palakpakan po natin si Joseph Claveria.
The reason why I mentioned Doc Mike, Kapitana Amping, and Joseph Claveria is because what they did was not because of any reason except na ‘yon po ang tamang gawin.
At kung ang February ang buwan ng pagmamahal, ‘yong kanilang action, ‘yon na po ang sumisimbolo sa pagmamahal nila sa kanilang siyudad ng Dagupan.
Once again, for this morning, I’d like to recognize these three individuals dahil naipakita po nila na buhay na buhay ang sinserong serbisyo para sa taumbayan. Palakpakan po natin sila.
Isa pong magandang umaga sa ating lahat. Maraming salamat po!