Labing-isang (11) persons with disabilities (PWDs) at senior citizens na may malulubhang karamdaman mula sa mga barangay Bonuan Binloc, Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, at Bolosan ang nabigyan ng mobility aids sa ilalim ng programang Home Visit ngayong umaga, Hulyo 28.
Personal na binisita nina Mayor Belen Fernandez, Councilor Dr. Jalice “Jaja” Cayabyab, ang City Health Office sa pangunguna ni City Health Officer Dra. Julita De Venecia, Nurse IV Tina Cayabyab, mga punong barangay, at iba’t ibang Barangay Health Workers (BHWs) ang mga benepisyaryo upang personal na maihatid ang mga mobility aids at makamusta ang kanilang mga kalagayan.
Bilang karagdagang tulong, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng gatas na Sustagen Premium upang makatulong sa nutrisyon at patuloy na pangangalaga sa kanilang mga kalusugan.
“Sa ating pag bisita sa tahanan ng ating kabaleyan, simple lang po ang goal natin, that is to restore their dignity and give hope,” ani ni Mayor Belen.
Nagpasalamat din ang lokal na alkalde kay PCSO General Manager Melquiades “Mel” Robles at sa buong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang donasyon ng wheelchairs, canes, walkers, at charitimbas, na malaking tulong sa ating mga PWD at senior citizens.
Tiniyak naman ni Mayor Belen na magpapatuloy ang Home Visit Program sa ilalim ng SAFEnet for Mobility upang mas marami pang residenteng nangangailangan ang maabot ng serbisyong pangkalusugan, mobility assistance, at iba pang programang nagbibigay ng pag-asa at mas maayos na kalidad ng pamumuhay.



