The Official Website of the City Government of Dagupan

PINASIGLANG INDUSTRIYA NG ‘LONGEST, HEAVIEST, AT PRETTIEST’ BANGUS, TAMPOK SA 2026 BANGUS RODEO

Muling ipinamalas ng mga bangus grower ang lakas at sigla ng industriya sa taunang Bangus Rodeo, tampok ang pinakamahaba, pinakamabigat, at pinakamagandang bangus na tunay na ipinagmamalaki ng Dagupan.

Nanguna ang isang bangus na may habang 71 sentimetro bilang pinakamahaba, habang umabot naman sa 2.67 kilo ang itinanghal na pinakamabigat sa isinagawang 2026 Bangus Rodeo.

Isang perpektong marka na 100 porsyento ang nakuha ng itinanghal na prettiest bangus champion mula sa Barangay Lucao, na hinangaan dahil sa malinaw na mata, maayos na palikpik, mabilog na katawan, buo at makintab na kaliskis, at natural na hugis ng buntot, mga katangiang sumasalamin sa kalidad ng isang tunay na Dagupan bangus.

Ipinamalas din ng mga kalahok ang kanilang bilis at husay sa iba pang kategorya tulad ng Fastest Bangus Classifier, Fastest Bangus Deboner, at Fastest Bangus Eater, na patunay ng mataas na antas ng kasanayan sa industriya.

Lubos na nagpasalamat si Mayor Belen T. Fernandez sa pangunahing sponsor na Feedmix Specialist Inc., na patuloy na nagbibigay suporta sa aktibidad na nagsisilbing bukas na entablado para sa mga pangunahing manlalaro ng bangus industrya at patuloy na nagpapalakas sa pangunahing produkto ng lungsod.

Nakiisa rin sa okasyon si Her Excellency Li Xiaoyan, Consul and Head of Post of the Consulate of the People’s Republic of China in Laoag, kasama ang kanyang delegasyon, gayundin ang mga opisyal ng lungsod, upang saksihan ang isang tradisyong patuloy na humuhubog sa pagkakakilanlan ng mga Dagupeño.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers upang makibahagi sa selebrasyon.

Pinangunahan nina 2026 Bangus Festival Hermano Mayor, Councilor Marcelino Fernandez, at Vice Mayor Dean Bryan Kua ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi.

CONGRATULATIONS SA LAHAT NG 2026 BANGUS RODEO WINNERS

LONGEST BANGUS

Champion: Alexander Melendez — 71 cm

1st Runner Up: Kate E. Sauler — 70 cm

2nd Runner Up: Alvin Caguioa — 62 cm

HEAVIEST BANGUS

Champion: Dominic Camacho — 2.67 kg

1st Runner Up: Joe Soriano — 2.30 kg

2nd Runner Up: Joana Grace Melendez — 2.18 kg

PRETTIEST BANGUS

Champion: Adela Caguioa — 100%

1st Runner Up: Jolly Atoy Cayabyab — 99%

2nd Runner Up: Alvin Caguioa — 98%

FASTEST BANGUS CLASSIFIER

Champion: Ryan Doria — 2:03

1st Runner Up: Melecio Melendez — 2:20

2nd Runner Up: Jemar N. Bandera — 2:33

FASTEST BANGUS DEBONER

Champion: Joemarie C. Paryaoan — 1:12.95

1st Runner Up: Pedro Roman — 1:13.00

2nd Runner Up: Ivy Tenderilla — 1:25.00

FASTEST BANGUS EATER

Champion: Ruben Fernandez — 2:21.31

1st Runner Up: Jaime A. Bucao — 2:28

2nd Runner Up: Crisanto Zamora — 5:57.69

Isang malinaw na patunay ang Bangus Rodeo na patuloy na umaangat ang industriya ng bangus sa Dagupan, dala ang husay, sipag, at dedikasyon ng mga Dagupeñong patuloy na nagbibigay buhay sa pangunahing yaman ng lungsod.

 

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid06i1EgqrPc13VvN314rEuUdxouaDe9k6taFRgwALmsaQTczJdkPKM7wuGutr5umNNl?rdid=9AhLq9p9ZUesZlXA#

https://www.facebook.com/CIOdagupan/videos/1487260762799322/

 

Related Articles

5 May 2026
AQUAX BRINGS FREE SUMMER WATER SPORTS TO DAGUPAN’S BLUE BEACH
5 May 2026
IKA-APAT NA “LECHONAN ED BARANGAY,” UMARANGKADA SA LASIP CHICO
5 May 2026
DAGVIBE 2026 REVIVES STREET CULTURE SCENE FOR CITY’S SKATE PARK LAUNCH