Mas marami pang proyekto para sa ating mga kabataan at pamilya ang ating isusulong sa pamamagitan ng ₱15.5M Supplemental Budget na nakatuon sa mas mahusay na edukasyon, mas ligtas na paaralan, at mas handang komunidad.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
₱10M para sa pagbili ng Information and Communication Technology (ICT) Equipment para sa mga Barangay Libraries sa iba’t ibang barangay upang mas mapalawak ang access ng ating mga kabataan sa digital learning at impormasyon.
₱4M para sa Emergency Go Bags, Emergency Kits na may mga gamot, at iba pang kagamitan upang mas maging handa ang bawat Dagupeño sa panahon ng sakuna at emergency.
₱1M para sa tatlong (3) units ng 33-Zone Walkthrough Metal Detectors para sa mas ligtas na paaralan at karagdagang proteksyon ng ating mga estudyante.
₱500K para sa Science Experiment Toys at Learning Materials sa ilalim ng ating SAFEnet Program, upang mahikayat ang curiosity, creativity, at mas masayang pagkatuto ng ating mga kabataan.
Marami pong salamat sa ating Sangguniang Panlungsod led by Vice Mayor Bryan Kua at New Majority Councilors sa agarang pag-apruba ng mga programang ito para sa kaligtasan, edukasyon, at mas magandang kinabukasan ng bawat Dagupeño.
Unaen su Kaligtasan! Unaen su Edukasyon!



