The Official Website of the City Government of Dagupan

Pagpupugay sa Ama ng Makabagong Sining Pilipino, Victor Edades

Isinagawa ngayong umaga ng Martes, Disyembre 23, ang Victorio Edades Day Wreath Laying Ceremony sa Barangay Bolosan, Dagupan City, bilang paggunita sa buhay, tapang, at walang kapantay na ambag sa sining ng isa sa pinakadakilang anak ng lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez ang seremonya. kasama sina Coun. Michael Fernandez, Dir. Rex Catubig, Kapitan Nancy Morris, mga kasapi ng Barangay Council, at ang pamilya ng yumaong Pambansang Alagad ng Sining, sa isang simple ngunit makabuluhang pagtitipon.

*Maikling Kuwento ng Isang Pambansang Alagad ng Sining

Ipinanganak sa Dagupan noong 1895, si Victorio Edades ay humamon sa nakasanayang pamantayan ng sining. Sa halip na perpektong anyo, pinili niya ang katotohanan. Sa kabila ng matinding batikos sa kanyang matatapang na kulay at kakaibang estilo, nanindigan siya sa paniniwalang ang sining ay salamin ng tunay na buhay. Dahil sa kanyang tapang at paninindigan, umusbong ang bagong henerasyon ng mga alagad ng sining, at siya ay kinilala bilang Ama ng Makabagong Sining sa Pilipinas.

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pag alala, kundi isang malinaw na paalala: ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa lakas ng loob na manindigan. Mula Dagupan hanggang sa pambansang entablado, patuloy na nabubuhay ang pamana ni Victorio Edades sa bawat obrang may tapang at katotohanan.

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid02SjpkSMRsxmCTid86A21q1gG8C7Ma2g2fitxVunAPXw7gjabEPw5xhS4AV6mVcvsBl

Related Articles

16 January 2026
MALAYA ANG DAGUPAN! 81ST COMMEMORATION OF DAGUPAN’S LIBERATION
6 January 2026
[INTERNATIONAL HONOR] DAGUPEÑO EXCELLENCE SHINES IN VIETNAM, WINS GOLD
23 December 2025
ZERO CASUALTY TARGET: TOROTOT KAPALIT NG PAPUTOK, BIDA SA ‘LIGTAS CHRISTMAS 2025’ CAMPAIGN