The Official Website of the City Government of Dagupan

PAGMAMAHAL ALAY SA MGA MAARON INA

Dahil prayoridad ng siyudad ang kapakanan ng pamilya, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang kauna-unahang “Isang Yakap Para sa Mga Maaron Ina,” sa City Plaza ngayong Lunes, Hulyo 20.

Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez ang okasyon kung saan 1,300 kasapi ng Maaron Ina ang inaasahang manguna sa pagsulong ng mga programang pang pamilya tulad ng SAFEnet (Secure and Abuse-Free Environment), “Nanay, Ikaw ang Unang Guro,” at “A.B.K.D (Ang Bawat Kabataang Dagupeño) Nakakabasa,” para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Gayundin, ibababa sa siyudad ang halagang P1Million mula kay Sen. Risa Hontiveros, at tulong mula sa Department of Labor and Employment upang makatulong pang kabuhayan sa mga nanay ng siyudad.

Dinala rin ang YAKAP at GAMOT program upang mas madali sila mag rehistro, at mapakinabangan ang mga libreng gamot para maiwasan ang bigat na dala sa pagkakasya ng gastusin.

Galing sa suporta ng Wellmade Manufacturing Corporation, lahat ay nakapag-uwi rin ng gift packs na naglalaman ng Speed powder, Speed detergent bar, Lala fabric condition, Winrox De Kolor, Winrox bleach, Dolux bleach, Budget with fabcon, at Select soy sauce, sukang puti, at cane vinegar.

Pinatunayan ng mga Maaron Ina ang kanilang mga talento at pagiging wais sa pamamagitan ng cook fest, dance contest, pag-display ng kanilang mga handmade products tulad ng clay crafts, accessories, at rug-making.

Kinilala rin ang mga nagwagi bilang Maaron Ina of the Year, Maroon Ina Superkalan Gaz Choice Award, Maaron Ina Wellmade Choice Award, at Maaron Ina Miss Photogenic.

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid02TdwqdLnz62v2B9fd4s6top17MZqj6nS5T79qsCGPUDiM7sW5Wbxu86purshuTdZLl

Related Articles

26 August 2026
[SAFEnet FOR MOBILITY] PROJECT LINAW MATA 👁️❤️
26 August 2026
DAGUPAN NOW UNDER STATE OF CALAMITY
26 August 2026
DAGUPAN LEVELS UP SCIENCE, FUTURE-READY EDUCATION; INKS MOA WITH DOST, DEPED