The Official Website of the City Government of Dagupan

PAGIGING HANDA: DAGUPAN NAKIKIPAGTULUNGAN SA DOST-PHIVOLCS PARA SA TSUNAMI PREPAREDNESS

Narito pong muli ang DOST-PHIVOLCS, ang ating partner sa Disaster Preparedness and Resiliency, upang gabayan tayo sa pagharap sa seryosong hamon at posibleng banta ng tsunami sa Dagupan.

Ibang-iba ang tunay na kahandaan. Ang preparasyon ay hindi lang para sa isang araw, dahil buhay at pamilya ang nakataya.

Mula sa mga aral natin sa nagdaang bagyo, naging maagap tayo sa paglikas at nakapagbukas ng 50 evacuation centers para sa mahigit 10,000 pamilyang lumikas. Ipinagmamalaki ko po na nagresulta ito sa ZERO CASUALTY sa ating lungsod.

Dahil dito, nagpapasalamat po ako sa lahat ng 31 barangay councils. Tayo ang mga lider na magtuturo ng kahandaan sa kalamidad pababa sa bawat barangay.

Gayon din po ang ating pagtutok sa paghahanda laban sa lindol at tsunami. Sa tulong ng DOST-PHIVOLCS, sa pangunguna ni Engr. Angelito Lanuza, PHIVOLCS Scientist and Civil Engineer, at ng kanyang team, ituturo sa bawat barangay ang paglalatag ng konkretong plano at pagbuo ng Tsunami Evacuation Map, kasama ang mga kinakailangang kagamitan, impact assessment, at detalyadong pagtukoy sa mga hazard areas.

Nasa ating mga kamay ang pagiging handa.

Kasama natin ang 15 barangay na nasa “Red Zone” ng Tsunami Hazard Map sa siyudad, na ngayon ay sumasailalim sa training, kabilang ang Quick Response Team ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan.

https://www.facebook.com/mbtfpage/posts/pfbid02HMPmSwa2wPL17D2XJCF1gPwAWdUZ39ts5WkeYr8m87WCuVVNoVjxK3cEqxToKGbel

Related Articles

10 December 2025
FILIPINO CHINESE AMITY CLUB DONATES 1,000 BAGS OF RICE FOR DAGUPAN COMMUNITIES
10 December 2025
ALAY SA MGA ANAK NG OFWs: DAGUPAN CELEBRATES OFF FESTIVAL WITH LOVE
10 December 2025
DAGUPAN ILLUMINATES 45-FOOT CHRISTMAS TREE, LANDMARKS IN OFFICIAL KICKOFF OF 2025 FIESTA