The Official Website of the City Government of Dagupan

MULTI-PURPOSE BUILDING NG ONE BONUAN, MAGBUBUKAS NA! SALAMAT, SEC. ANGARA!

Nakatakda na ang pagbubukas ng 3-storey Multipurpose Building sa Brgy. Bonuan Boquig na pinondohan at ipinatayo sa tulong ni DepEd Secretary Sonny Angara.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, konting araw na lang ang inaantay para sa blessing at inagurasyon ng pasilidad.

Modelo ng proyekto ang napakikinabangan na ngayong multi-purpose evacuation center sa Brgy. Salapingao at kayang kargahin hanggang 1,200 katao at magsilbing accessible rescue center para sa mga taga One Bonuan (Barangay Bonuan Gueset, Boquig at Binloc).

Pinasalamatan ng alkalde si Atty. Ope Reyna na siyang tulay sa opisina ni Sec. Angara.

Kasama rin sa mga proyektong nakalinya sa barangay ang government housing project, alinsunod sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Priority Program ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at proposed road widening and construction of drainage system sa Sitio Leteg base na rin sa request ng mga residente at barangay council sa pamumuno ni Punong Barangay Joseph Maramba.

https://fb.watch/tIihXjHP-L/

Related Articles

13 July 2026
PARA SA EDUKASYON, KALIGTASAN, AT KINABUKASAN NG BAWAT DAGUPEÑO
13 July 2026
MORE THAN 5,000 SERVICES RENDERED THRU SAFEnet FOR MOBILITY
1 July 2026
ECONOMIC, SOCIAL GAINS HEADLINE DAGUPAN SOCA