‘MALAWAKANG DRAGA’ SA MGA ILOG NG BUONG PANGASINAN, ISASAGAWA NA!
Atin pong dinaluhan ang Launching of Flood Management Initiatives – River Restoration Project sa pangunguna ng Pangasinan Provincial Government led by Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico, sa layunin na mapagtibay ang katatagan ng probinsya at ating lungsod, at kaligtasan ng bawat mamamayan laban sa pagbaha at iba pang kalamidad.
Buo po ang suporta natin sa napaka halagang prorama na ito upang linisin ang mga ilog at pangunahing daluyan ng tubig, lalong lalo na sa mga flood-prone areas sa buong Pangasinan.
Bilang Punong Lungsod, prayoridad natin ang pagbibigay sagot sa problema na nagpapahirap hindi lamang sa siyudad o lalawigan kundi sa bansa.
Hindi po tayo humihinto sa ating dregding operations gamit ang limang (5) dredger sa tulong ng DPWH para sa pagpapalalim ng mga ilog, kasabay ng paglilinis nito mula sa siltation. This is to rehabilitate the rivers, as a long-term solution for a safer, resilient, and flood free future.



