Umabot sa 631 residente ng PuroKalusugan sa Bonuan Gueset ang nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan nitong Marso 25, 2026.
Pinangunahan ng City Health Office led by Dr. Julita P. De Venecia, katuwang si Kapitan Noel Bumanglag at barangay council, ang paghahatid ng 1,730 kabuuang serbisyo kabilang ang medical at dental check up, prenatal care, immunization para sa mga sanggol, laboratory services, health education, nutrition services, WASH and sanitation, libreng gupit, at road safety orientation.
Kasama rin ang City Nutrition Office led by Mariel Visperas, patuloy na pinaaalalahanan ang mga residente sa kahalagahan ng wasto at balanseng nutrisyon, kasabay ng pamamahagi ng mainit at masustansyang chicken arrozcaldo para sa mga benepisyaryo.
Dumalo at nagpakita ng suporta sina Dean Bryan Kua, Joey Tamayo, Karlos Reyna IV, at Danee Canto, kasama ang Barangay Council sa pamumuno ni Kap. Noel Bumanglag, SK Council sa ilalim ni Chair Jomar Abalos, NCES Principal IV Renato Benitez, Malinac’s Hero Club Fraternal Order of Eagles, CHO staff, BHWs, BNS, UDD student interns, at mga volunteers.
Naibahagi rin ng libreng produkto tulad ng Joy C Fresh, Menü, Super Candy, Speed Detergent, Select Soy Sauce, Dunkin Donuts, Winrox, Strepsils, Enfamama, Sustagen, at iba pa para sa dagdag na tulong sa mga residente.
Ani Mayor Belen T. Fernandez, tuloy-tuloy ang paglapit ng serbisyong pangkalusugan sa barangay para mas maraming Dagupeño ang maabot at maalagaan.



