Mas pinalapit pa po ang pagbibigay serbisyo sa mga OFWs sa opisyal na pagbubukas ng “Juan BayaniHub” DMW Satellite Office Region 1 dito mismo sa ating lungsod at kauna-unahan po sa buong rehiyon.
Kasama ang mga LGUs ng 4th District of Pangasinan, OWWA, DOLE, TESDA, and other partner agencies nakatakda rin po tayong lumagda sa isang convergence MOA Signing — Lahat para sa pangangalaga ng kapakanan ng ating mga OFWs at kanilang pamilya.
Tayo rin po ay nagpapasalamat sa Nepo Mall Dagupan sa pagbubukas ng espasyo para sa adhikaing ito kasunod ng development sa ating road infrastructure dito sa Arellano St. sa tulong ng nasyonal na gobyerno.
Ito ay malinaw na patunay na kapag nagkakaisa ang pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan, mas mabilis nating naibibigay ang tulong sa ating mga kababayan.
Higit sa lahat, sa ating mga OFWs at sa inyong mga pamilya kayo ang inspirasyon ng serbisyong ito.
Ang inyong sipag, sakripisyo, at pagmamahal sa inyong pamilya ang dahilan kung bakit patuloy tayong nagsusumikap na maghatid ng serbisyo na may malasakit, may puso, at may tunay na pagbabago.
Kasama natin sa hakbang na ito tungo sa mas maayos, mas mabilis, at mas makataong serbisyo para sa ating mga modern-day heroes, our OFWs, sina Department of Migrant Workers Assistant Sec. Jerome Alcantara and Venecio Legaspi, OWWA Regional Director Gerardo Rimorin, Department of Migrant Workers Regional Director Christian Rey Sison, TESDA Pangasinan Provincial Director James Ferrer, San Fabian Mayor Marlyn Agabayani, Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, San Jacinto Municipal Administrator Rosalie Ellasus, Mr. Aaron Montenegro, President, Nepo Mall Dagupan, DOLE Central Pangasinan Representative Ms. Rhodora Dingle, SSS Branch Head Engr. Primitivo Verania, Pag-IBIG Branch Head Corina Joyce Calaguin, PhilHealth, Region 1 Field Operations Division Chief Ms. Josephine Quiton, Ms. Walurich Dacarag, Nepo Mall Manager, Mangaldan PESO Manager Helen Aquino, Dagupan PESO Manager Joy Siapno, at OFW Family Circles in Dagupan and Region I.



