The Official Website of the City Government of Dagupan

IKA-128 KAARAWAN NG AMA NG DAGUPAN NA SI SPEAKER PEREZ, IPINAGDIWANG

“Maligayang Kaarawan, House Speaker Eugenio Perez Sr., Founding Father of the Dagupan City Charter!”

Ito ang pagbati ng mga Dagupeño sa ika-128 Birth Anniversary ni dating House Speaker Eugenio Perez Sr., may akda ng Republic Act No. 170, o Charter of the City of Dagupan.

Kasama ang buong lalawigan ng Pangasinan, pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez ang pagdiriwang sa lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng isang makabuluhang programa at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng dating House Speaker ngayong ika-13 ng Nobyembre, sa Brgy. Herrero-Perez.

Sa mensahe ng alkalde, binigyang diin nito ang pagkilala sa hindi matatawarang papel na ginampanan ng dating House Speaker Perez lalo na para sa siyudas ng Dagupan.

“Sa nakalipas na 77 years, lagi tayong nagbabalik tanaw upang kilalanin, parangalan at panatilihing buhay siya sa ating alala dahil kanyang binigyang anyo at hugis ang ating mga pangarap at pagkilala bilang isang maunlad na bayan,” mensahe ng alkalde.

Nais ni Mayor Belen na sikaping turuan ang mga kabataan na huwag limutin si House Speaker Perez dahil sa pagbukas nito ng pinto sa tuloy-tuloy na pagunlad dala ng pagiging opisyal na pagkakatatag ng Dagupan bilang lungsod.

Kasamang sa pagdiriwang sina Vice Mayor Bryan Kua, Councilor Michael Fernandez, Councilor Jigs Seen, PNP Dagupan Chief Brendon Palisoc, BFP Dagupan Chief John Michael Escaño, Barangay Council led by Kap. Generoso “Richie” Gomez, Herrero-Perez SK Council led by SK Chairman Jean Paul Casaclang, City Tourism led by Ma’am Sharon Maramba and Rex Catubig, barangay tanods, BHWs and other barangay officials.

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid0163tjABZjfajYrS89EEd9tPUWcHLhAP9M9YH5XHCziehivaRgJiFgydKiPixsHS8l

Related Articles

27 November 2024
DAGUPEÑO ATHLETES JOIN BATANG PINOY 2024, BAGS MEDALS IN BP AND UAAP SWIMMING TOURNAMENT
21 November 2024
DAGUPEÑO CENTENARIAN RECEIVES 100,000 PESOS
20 November 2024
CITY TURNS OVER AGRICULTURAL MACHINERY TO LOCAL FARMERS