Ito po’y coordination meeting para sa masusing geomapping at identification ng tsunami at hazard prone areas, pati na ang mga posibleng evacuation sites sa mga barangays Bonuan Gueset, Boquig, Binloc, Salapingao, Pugaro, Carael, Lomboy, Calmay, gayundin sa Poblacion Oeste, Pantal, Tapuac, Lucao, Barangay 1, 2, 3, Herrero Perez, at Malued.
Importante ang meeting na ito dahil dito nagsisimula ang maayos na pagpaplano, tamang impormasyon, at maagap na paghahanda para sa kaligtasan ng ating mga komunidad. Ang bawat datos, mapa, at lokasyon na tinutukoy ay may direktang epekto sa mabilis at ligtas na paglikas ng mamamayan sakaling may banta o sakuna.
Pinangunahan ang technical discussions ng focal team mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Chief Ronaldo De Guzman, katuwang ang Public Alert Response and Monitoring Center na pinamumunuan ni Chief Melykhen Bauzon, upang matiyak na ang lahat ng impormasyon ay malinaw, tama, at handang isalin sa konkretong aksyon sa barangay level.
Sa pamamagitan nito, at pakikibahagi ng 15 barangays na naririto, mas pinagtitibay ang ating kahandaan, mas pinapalinaw ang mga panganib, at mas napapalakas ang proteksyon ng buhay at ari arian ng bawat Dagupeño.



