Salamat po sa ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa programang ito na nagbibigay opurtunidad na magkaroon ng sariling bahay at matulungan mai-angat ang estado ng mamumuhay ng mga Pilipino.
Ngayong araw, sumailalim na sa beneficiary orientation ang mga city hall employees na nais makapag-avail ng murang pabahay sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region I at Pag-IBIG Fund.
Sa pagpapatuloy ito ng pagpapatupad ng PAMBANSANG PABAHAY PARA SA PILIPINO PROGRAM (4PH) sa layunin na tulungan magkabahay ang mga family of low-income earners sa pamamagitan ng abot-kayang housing assistance.
Tayo po sa siyudad ay nakahanda na para dito sa ating Proposed Construction of Four Storey Housing and Site Development na nakatakdang itayo sa Sta. Maria, Brgy. Bonuan Boquig.
Ang plano po natin para dito kasama ng mga eligibility requirements, sample computation, at proseso sa pag avail nito ay ibinahagi na
nina DHSUD Region I 4PH Pangasinan Division Chief Roel Fernandez at Pag-IBIG representatives para sa nalalapit na access to home ownership ng mga benepisyaryo.
Sa aking pamilya sa lokal na gobyerno, regular and job-order-employees, huwag po natin sayangin ang binbigay na oportunidad na ito ng ating gobyerno.



