We are still currently working on the responsive (mobile and tablet) versions of this website. Please access this website using a desktop or a laptop for the meantime. Thank you!

‘Find ways to make ourselves better’

(Message of Mayor Brian Lim during the flag-raising ceremony on November 18, 2019 at the Dagupan City Police Station compound.)

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Alam niyo po sa panahon ng social media, I think it’s very important that I remind you na ang isang tao, mayroong dalawang klase ng validation na puwedeng mangyari sa kanya. Mayroon iyong tinatawag nating external validation, ito po iyong sinasabi ng kapwa mo tao sa iyo, ang sinasabi sa social media, ano ang chismis na sinasabi sa iyo.

Pero ang higit na mas importante dito, sa aking pananaw, ay iyong tinatawag nating internal validation. Ano ang ibig sabihin ng internal validation? Ito iyong honest na pagtingin mo sa sarili mo bilang isang tao.

At higit sa lahat, itong honest na pagtingin niyo sa sarili niyo ang pinaka-importante. Diyan niyo po makikita kung ano po ang dapat niyong baguhin sa inyong sarili — ano ang ginagawa niyong tama at ano ang ginagawa ninyong mali.

At sa panahon po natin ngayon, nakakalimutan po ng karamihan sa atin that we have to internally validate and look at ourselves in the mirror and say: “Ito ang ginagawa mong tama, ito ang ginagawa mong mali at ito pa ang kailangan mong gawin para maging mabuti kang tao.”

Kanina po sa panunumpa — tatlo na iyong ating panunumpa [including Panatang Makabata] — kung tutuusin simple lang po ang ibig sabihin ng ating panunumpa kada-Lunes: ang panunumpa para maging isang mabuting tao.

Kung hindi niyo ito memoryado, ang tatandaan niyo lang po nanunumpa tayo tuwing Lunes, sabay-sabay para maging isang mabuting tao.

And I hope that with your internal validation, ay makita ninyo sa sarili niyo kung ano ang tama at kung ano ang mali dahil walang perpektong tao. We can only wake up every day in God’s graces and blessings and find ways to make ourselves better.

Natutuwa po ako at gusto ko pong magpasalamat sa lahat po ng kasama natin sa gobyerno –sa Tourism, Engineering, City Planning at sa lahat po ng offices na sila po talaga ang nagtrabaho upang mabigyan po natin ng konting kasiyahan ang ating siyudad sa pamamagitan ng pagpapa-ilaw sa ating mga tulay, harap ng museum at city hall. Sila po talaga iyong dapat nating palakpakan.

Tulad po noong aking talumpati noong lighting [ceremony] natin, Dagupeños deserve to be happy. At sa pamamagitan po ng ating mga ilaw, kahit na hindi po natin sila mapapasaya sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay, iyon pong limang minuto na makakasama nila ang kanilang pamilya para lang makapagpa-picture at maramdaman nila ang pasko, sa aking pananaw ay mahalaga na maibigay natin sa ating kapwa Dagupeños.

So, that is really what we want to do –- to try our best to make Dagupeños as happy as they can be. Kaya palakpakan po natin iyong mga tumulong na magpa-ilaw ng ating mga daan.

Once again, I hope you have a very good week. Magandang umaga po sa inyong lahat at maraming salamat.