The Official Website of the City Government of Dagupan

DPWH SEC. DIZON, TODO AKSYON SA BAHA NG DAGUPAN

Direktang dinala ng Pamahalaang Lungsod kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vivencio “Vince” Dizon ang mga pangunahing flood concerns ng Dagupan at mga proyektong kailangang gawin para sa agarang at pangmatagalang solusyon, sa kanyang pagbisita sa siyudad ngayong Huwebes, Setyembre 17.

Bahagi ito ng pakikipag ugnayan ni Mayor Belen T. Fernandez sa pambansang pamahalaan upang matugunan ang matagal nang problema sa baha ng siyudad.

Sa pagpupulong kasama ang City Engineering Office at mga opisyal ng DPWH, tinalakay ang kondisyon ng drainage system, mga daluyan ng tubig at kailugan, pati ang mga kinakailangang proyekto at intervention.

Pinangunahan nina Acting Mayor Dean Bryan Kua, Konsehal Atty. Joey Tamayo, Engr. Karlos Reyna IV at Marvin Fabia, kasama si 4th District Representative Cong. Manay Gina De Venecia, ang pagtanggap kay Secretary Dizon.

Personal ding nagtungo si Dizon sa Barangay Mayombo upang inspeksyunin ang ginagawang kalsada at drainage system at makita mismo ang sitwasyon sa lugar.

Ibinahagi rin nina Archbishop Socrates Villegas at Rev. Fr. Manuel S. Bravo Jr. kay Dizon ang flood control project ng Metropolitan Cathedral Parish of St. John the Evangelist na sumusuporta sa flood mitigation efforts sa siyudad.

Ayon kay Acting Mayor Bryan Kua, malaking hakbang ang pagtutok ng national government sa baha ng Dagupan. Pinasalamatan niya sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Secretary Dizon at Cong. Manay Gina sa pagtulak ng mga kinakailangang aksyon at proyekto.

Para kay Mayor Fernandez, malinaw ang direksyon: may solusyon sa baha ng Dagupan, at kailangan itong maisagawa. Pinasalamatan din niya si Secretary Dizon sa personal na pagpunta at pagtingin sa mga pangangailangan ng siyudad.

 

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid0nX1sd4ZmE1fzU4cbmJZ3TcWPFs1SpbvzMEZK9HsY8qgVoPdQsyG9M8UViav2P48jl

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/1805639790613419

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/1105212845276842

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/1079461578402105

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/1617747049741008

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/1381718160824958

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/2136951583916651

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/1045585555016719

Related Articles

8 October 2026
LGU, SDO DAGUPAN CITY CELEBRATE 2026 WORLD TEACHERS' DAY
26 August 2026
[SAFEnet FOR MOBILITY] PROJECT LINAW MATA 👁️❤️
26 August 2026
DAGUPAN NOW UNDER STATE OF CALAMITY