The Official Website of the City Government of Dagupan

DAGUPAN WINS BIG IN PUBLIC HEALTH

Isang malaking karangalan ang makabilang sa mga kinilala ng Department of Health (DOH) sa Awarding Ceremony ngayong Huwebes, December 11, 2025 at Francisco Ortega Convention Center sa San Fernando City, La Union kung saan pinarangalan ang ating City Health Office (CHO) at Epidemiology and Surveillance Unit sa iba’t ibang kategorya ng kahusayan sa serbisyong pangkalusugan.

Kinilala ang ating mga programa mula Best Epidemiology and Surveillance Unit, EVIDENT DRRM H System, Best TB Control Program Implementer, Best LIPH Implementer, AFP Surveillance Achievement, hanggang sa GAWAD KALUSUGAN 2025 First Place para sa Universal Health Care.

Kasama kong tumanggap ng mga parangal na ito sina CHO Chief Dra. Julita De Venecia, City Health Officer; Dr. Amadeo Zarate, DMO IV ng DOH Region 1; Cristina Cayabyab, Nurse V at Precious Santillan, Nurse III.

Ang mga ito’y patunay na ang ating siyudad ay modelo ng matatag, maagap, at makataong serbisyong pangkalusugan. Sa ilalim ng ating adbokasiya na Unaen Su Kalusugan, at sa diwa ng ating fiesta na PAMILYA ANG PUSO NG PASKO, patuloy nating pinoprotektahan ang bawat tahanan at bawat buhay.

Maraming salamat sa ating CHO led by De Venecia, at sa lahat po ng health workers at volunteers ng ating siyudad. Ang kanilang pagmamahal at sipag ang nag-angat sa Dagupan sa buong rehiyon.

Ang tagumpay na ito ay para sa bawat pamilyang Dagupeño!

Related Articles

16 January 2026
MALAYA ANG DAGUPAN! 81ST COMMEMORATION OF DAGUPAN’S LIBERATION
6 January 2026
[INTERNATIONAL HONOR] DAGUPEÑO EXCELLENCE SHINES IN VIETNAM, WINS GOLD
23 December 2025
Pagpupugay sa Ama ng Makabagong Sining Pilipino, Victor Edades