We are still currently working on the responsive (mobile and tablet) versions of this website. Please access this website using a desktop or a laptop for the meantime. Thank you!

Dagupan nananatiling COVID19-free

DAGUPAN CITY — Pinag-iibayo ngayon ng pamahalaang panlungsod ang information and education campaign nito hinggil sa good hygiene upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa SARS-CoV2 na siyang sanhi ng COVID-19 or corona virus disease.

Kasabay nito ang patuloy na pagasasagawa ng fever surveillance activities sa iba’t ibang barangay ng lungsod upang agad malaman kung may mga abnormal na kaso na maaaring i-ugnay sa COVID-19.

 

Sa isang meeting kaninang umaga sa city hall, iniulat ni Dr. Aurora Cuison, ang officer-in-charge ng City Health Office, na batay sa nga datos na nakalap ng mga surveillance wala pang kasong maaaring i-ugnay sa COVID-19.

 

Puspusan din, aniya, ang pagbabantay ng mga medical workers sa mga taga-Dagupan na may history of travel at wala pa namang nagkakasakit sa mga ito.

 

Ayon kay City Administrator Vlad Mata, nananatiling COVID-19-free ang Dagupan City.

 

Ito ay sa kabila ng isang ulat na isang taga-Australia, na nag-positive sa COVID-19 virus, ang dumalo sa isang pagtitipon sa Dagupan City noong Pebrero 22.

 

Kaninang umaga, inihayag ni Dr. Valeriano Lopez, ang regional director ng Department of Health (DOH), na nakapagsagawa na sila ng contact tracing at natapos na ang 14-day quarantine period sa mga taong kanilang binantayan.

 

Sa ngayon, ang mga taong kanilang binabantayan ay hindi kinakitaan ng anumang respiratory illness, ayon kay Lopez sa isang press conference sa bayan ng Lingayen.

 

Sa pulong sa city hall kaninang umaga, sinabi ni Mata na noon pa mang nakaraang buwan, may paghahanda na ang pamahalaang panlungsod laban sa COVID-19 virus.

 

Kabilang dito ang pagbuo ni Mayor Brian Lim ng isang task force laban sa COVID-19 at ang deployment ng mga barangay emergency response teams sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

 

Isang health summit din ang ginanap noong Pebrero 6 kung saan tinalakay ang iba’t ibang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

 

Maliban sa good hygiene practices, sinabi rin ni Mata mahalaga ring iwasan ng mga mamayan ang pagkakalat ng fake at unverified news.

Positive SSL Wildcard