The Official Website of the City Government of Dagupan

COVERED COURT GYMNASIUM SA BRGY. PUGARO, BINUKSAN NA PARA SA MGA RESIDENTE

Mainit na sinalubong ng mga residente ng Barangay Pugaro sina Mayor Belen T. Fernandez at Vice Mayor Bryan Kua sa ginanap na inauguration at blessing ceremony ng bagong covered court gymnasium ngayong Martes, Hulyo 15.

Maliban sa pagiging venue para sa iba’t ibang aktibidad at okasyon, magsisilbi rin itong evacuation center at ligtas na silungan sa panahon ng kalamidad.

Sa kanyang mensahe, muling ipinahayag ni Vice Mayor Bryan Kua ang buong suporta ng Sangguniang Panlungsod sa mga programa at proyektong isinusulong ng barangay katuwang ang Team Unliserbisyo.

Samantala, inanunsyo rin ni Mayor Belen ang libreng eye check-up sa ilalim ng “Project Linaw Mata” na gaganapin sa darating na Setyembre 14.

Dumalo rin sa programa sina City Engr. Josephine Corpuz, mga barangay kagawad, SK Chairman Dolly Camacho, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholar, Barangay Service Point Officers, Day Care teachers at mga barangay officials led by Nestor Victorio.

Related Articles

11 March 2026
862 NA SERBISYO, HATID NG CITY HEALTH OFFICE SA WOMEN’S MONTH
11 March 2026
DISYEMBRE 26, “SPEAKER JOSE DE VENECIA DAY” NA SA DAGUPAN!
11 March 2026
1,100 FREE HEALTH SERVICES DELIVERED THROUGH PUROK KALUSUGAN PROGRAM