We are still currently working on the responsive (mobile and tablet) versions of this website. Please access this website using a desktop or a laptop for the meantime. Thank you!

Commitment to excellence

(Speech of Mayor Brian Lim during the opening ceremony of the 2019 Dagupan City Council Scouts Jamborette at the Ramos Farm in Barangay Bonuan Binloc on November 15, 2019)

Magandang umaga po sa lahat po ng ating council members at syempre po sa lahat ng mga participants ng ating Jamborette.

Napakaganda po ng inyong tema sa jamborette na ito, “Commitment to Excellence.” Sa akin pong pananaw ay hindi po pwede na tayo po ay gaganap sa isang responsibilidad o isang trabaho bilang estudyante, bilang isang guro o bilang isang Boy Scout o Girl Scout, kung hindi po natin isinasapuso iyong prisipyong Commitment to Excellence.

If we are to do something for a fellow man, for a fellow student, or if we are to do something for our fellow Dagupeños, there’s no choice except to do it with the best of your ability.
At kung gagawin ninyo ang inyong best effort, hindi importante whether you succeed or fail as long as you know in your heart na ibinigay mo yung inyong best effort because you are committed to excellence.

And more often than not, sasabihin ko po sa inyo, if you give your best effort, most of the time, you will succeed. But just in case you don’t make it and you fail, hindi po ibig sabihin noon na dapat tumigil na kayo at hindi niyo na susubukan ulit.

When you fail at something, it only means that you have to try harder next time.

So, tulad po ng sinabi ni Ma’am Linda, iyong pagpapailaw po sa tulay, sasabihin ko po sa inyo, hindi naman po dahil sa akin iyon. Dahil lahat po kami sa siyudad [city government], we are committed to excellence.

And we want to make people happy in Dagupan city because the people of Dagupan deserve to be happy, even just for that five minutes na magpapa-selfie sila sa harap ng ilaw.

Kung tutuusin, there are many more things na kailangan nating gawin, pati kayo rin mga Boy Scouts and Girl Scouts, mga estudyante at mga guro. We have so many things that we have to accomplish to make things better.

So I’ll tell you, if you think the city is well lit this year, you watch next year because we will light it even more.

Hindi ko na po papatagalin ang aking pagsasalita. Gusto ko lang pong bilinan ang mga participants ng jamborette na ito.

Please be in your best behavior. It is very important. Boy Scout din po ako noon at sumasama din po ako sa mga jamboree noon. Kaya be on your best behavior. Make new friends, try to learn from one another. And you have to make this event as best as you can because you are committed to being excellent.

Maraming salamat po sa inyong lahat at magandang umaga po muli.