The Official Website of the City Government of Dagupan

BJMP DAGUPAN, BEST CITY JAIL; LGU, PINARANGALAN SA 34TH BJMP REGION 1 ANNIVERSARY

Iginawad sa BJMP Dagupan Male Dormitory ang Best City Jail sa 34th BJMP Regional Office Anniversary na ginanap sa Vista La Vita, Vicente Rd., San Fernando City, La Union, sa pamumuno ni JCINSP Lito Lam-Osen, habang ang LGU Dagupan, sa pamamagitan ni Vice Mayor Bryan Kua, ay ginawaran ng Special Award bilang pagkilala sa suporta at pakikipagtulungan nito sa mga programa ng BJMP, noong Martes, September 16.

Ipinahayag ni Mayor Belen Fernandez ang kanyang pasasalamat sa pagkilalang ito at pinuri ang dedikasyon ng BJMP Dagupan.

“Patunay ang pagkilalang ito na sa pagtutulungan ng LGU at BJMP, mas nagiging makabuluhan ang ating serbisyo, lalo na para sa mga nangangailangan ng pagkakataong maituwid ang kanilang buhay,” ani ng alkalde.

Sa pamumuno ng alkalde, nakikipag-ugnayan ang lungsod upang matiyak ang maayos na rehabilitasyon, kaligtasan, at kalusugan ng mga PDLs sa Dagupan.

https://www.facebook.com/VICEMAYORBKKUA/posts/pfbid028L2F4SehdJY5zeKm3VLvEMtJniX8KDGNZjxvi9dFMYKVfEoYVVLAoZqUyQLxE5gSl

 

Related Articles

13 July 2026
PARA SA EDUKASYON, KALIGTASAN, AT KINABUKASAN NG BAWAT DAGUPEÑO
13 July 2026
MORE THAN 5,000 SERVICES RENDERED THRU SAFEnet FOR MOBILITY
1 July 2026
ECONOMIC, SOCIAL GAINS HEADLINE DAGUPAN SOCA