The Official Website of the City Government of Dagupan

BAGONG SCHOOL BUILDING SA LOMBOY ELEMENTARY SCHOOL, MALAPIT NANG BUKSAN!

Pinuntahan ni Mayor Belen T. Fernandez ngayong umaga, Hulyo 15, ang bagong gawang school building sa Lomboy Elementary School, kasama si City Engr. Josephine Corpuz, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas nito.

Personal na nagpasalamat sina Lomboy Barangay Kap. Arsenio Santillan at Teacher Benedict Maramba kay Mayor Belen sa pagbibigay-pansin at suporta sa kanilang paaralan.

Ibinahagi rin ni Teacher Maramba ang malaking benepisyo ng bagong pasilidad para sa mga mag-aaral.

“Excited na po kami, Mayor, na magamit itong bagong building dahil makakatulong ito para ma-boost ang gana ng mga estudyante na mag-aral nang mabuti,” pahayag niya.

Ayon kay Mayor Belen, ang nasabing proyekto ay bahagi lamang ng marami pang school projects na nakatakdang isakatuparan dahil nananatiling prayoridad ang edukasyon sa kanyang administrasyon.

“Kami po ay masayang-masaya at ganado kapag edukasyon ang pinag-uusapan. Anumang mangyari, edukasyon ang aming uunahin,” sabi ng alkalde.

Related Articles

5 May 2026
AQUAX BRINGS FREE SUMMER WATER SPORTS TO DAGUPAN’S BLUE BEACH
5 May 2026
IKA-APAT NA “LECHONAN ED BARANGAY,” UMARANGKADA SA LASIP CHICO
5 May 2026
DAGVIBE 2026 REVIVES STREET CULTURE SCENE FOR CITY’S SKATE PARK LAUNCH