The Official Website of the City Government of Dagupan

BAGONG 3-STOREY LIBRARY NG DCNHS, SIMBOLO NG PINALAKAS NA EDUKASYON SA DAGUPAN

Bilang malinaw na simbolo ng patuloy na pagpapalakas ng edukasyon sa Dagupan, pormal na binuksan ng lokal na pamahalaan ang bagong three storey library building ng Dagupan City National High School (DCNHS) kahapon, Miyerkules Disyembre 17, matapos ang blessing ceremony na pinangasiwaan ni Fr. Jomar Claveria.

Ang bagong pasilidad ay sumasalamin sa dedikasyon ng lungsod sa dekalidad, moderno, at inklusibong edukasyon para sa kabataang Dagupeño.

Binigyang-diin ni Mayor Belen T. Fernandez ang kahalagahan ng isang moderno at makabagong library na hahasa sa kanilang galing at talino. Ito ay kanyang itinuturing na regalong maipapamana sa kabataan hanggang sa susunod na henerasyon.

“Sa ganitong paraan, pinapalakas natin ang bawat tahanan at pinapanday ang kinabukasan, sapagkat Pamilya ang Puso ng Pasko,” pahayag ng alkalde.

Patuloy ring pinagtitibay ni Mayor Belen, kasama ang mga miyembro ng Local School Board, sa pamamagitan ng pagpo-pondo sa literacy, robotics, Artificial Intelligence (AI) at Science.

Taos-pusong pinasalamatan ni Schools Division Superintendent Dr. Rowena C. Banzon ang alkalde sa kanyang suportang ibinibigay sa edukasyon, simula noong nakaraang taon, mayroon ng siyam (9) school building ang natapos, labing apat (14) naman ang kasalukuyang ginagawa, at sa taong 2026, karagdagang tatlong (3) school building ang inaprubahan ng Sangguaniang Panlungsod.

Kasama sa pagbukas ng bagong pasilidad sina Vice Mayor Dean Bryan Kua, Councilors Michael Fernandez, Atty. Joey Tamayo, Jigs Seen, Engr. Karlos Reyna, Tala Paras, Danee Canto, Marcelino Fernandez at City Engr, Josephine Corpuz, na tumulong upang maisakatuparan ang proyekto.

Ang mga guro, librarians, estudyante ng DCNHS led by Principal Willy Guieb ay malugod na sumalubong at nagpasalamat kay Mayor Belen, kasama sina School Assistant Principal Virginia dela Rosa, SCG Elected Co-Chairperson Gerry Pradez, at SSLG President Jhaezmine Nicole Garcia.

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid02xeqwcuGH8XhjAz7oWuAPpfhKVALT2uQPDN5hBGgRKHtb9sarDoWEQ5jgnKYcFEYHl

Related Articles

16 January 2026
MALAYA ANG DAGUPAN! 81ST COMMEMORATION OF DAGUPAN’S LIBERATION
6 January 2026
[INTERNATIONAL HONOR] DAGUPEÑO EXCELLENCE SHINES IN VIETNAM, WINS GOLD
23 December 2025
Pagpupugay sa Ama ng Makabagong Sining Pilipino, Victor Edades