The Official Website of the City Government of Dagupan

ALAY SA MGA ANAK NG OFWs: DAGUPAN CELEBRATES OFF FESTIVAL WITH LOVE

Kasiyahan ang handog para sa Dagupan OFW Children Circle (OCC) sa idinaos na Circle of Star: Dagupan OFW Children’s Festival na ginanap sa Dagupan City People’s Astrodome ngayong Lunes, Disyembre 8.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nais iparamdam ng pamahalaan at ahensya ang pagmamahal ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng OFW Children’s Circle Activity.

Payo ni Mayor Belen T. Fernandez sa mga bata na laging mahalin ang kanilang mga magulang na pilit itinataguyod ang magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.

Personal na nagpasalamat ang alkalde kay OWWA Region I Director Gerardo Rimorin sa walang sawang pagsuporta sa siyudad, at sa tulong na ibinibigay upang mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang OFW at kanilang mga pamilya.

Kasama rin sina Vice Mayor Dean Bryan Kua at Konsehal Tala Paras para sa surpresang dala ni Mayor Belen. Dinala ang ‘Apple of My Eye’ program, ang mga mascots, at ipinamahagi sa bawat bata ang Alaska Fruitty Yo! Yoghurt milk drink at Alaska yoghurt drink.

Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), na pinamumunuan ni PESO Manager Joy Siapno, sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya upang maisakatuparan ang programang ito.

 

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid027bNKgdQm2dk5oS9gUSD9VNb8z14DXWzuJhjcnWwoDNE59RJei9XxRqakC4WbwsfNl

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/3983923798566444

Related Articles

16 January 2026
MALAYA ANG DAGUPAN! 81ST COMMEMORATION OF DAGUPAN’S LIBERATION
6 January 2026
[INTERNATIONAL HONOR] DAGUPEÑO EXCELLENCE SHINES IN VIETNAM, WINS GOLD
23 December 2025
Pagpupugay sa Ama ng Makabagong Sining Pilipino, Victor Edades