Sa pagdiriwang ng National Lung Month ngayong Agosto, tumanggap ang 967 Dagupeñong benepisyaryo ng libreng serbisyong medikal sa programang Ubo Patrol 2025.
Ang programang ito’y inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City, sa pamamagitan ng City Health Office, kasama ang Philippine Tuberculosis Society, Inc.
Ang apat (4) na araw na programang ito ay nagsimula noong Lunes, Agosto 18 na ginanap sa Office of the Senior Citizens Affair at City Plaza at nagwakas ngayong Huwebes, Agosto 21 sa Barangay Bonuan Gueset.
Kabilang sa mga serbisyong medikal na natanggap ng mga benepisyaro, mula sa kawani ng gobyerno at mga iba’t-ibang residente ng siyudad, ang libreng Chest X-ray, Medical Consultation at mga gamot.
Pinasasalamatan ng lokal na pamahalaan ang mga partners na binubuo ng mga sumusunod: PTSI Team na pinapangunahan ni Ms. Aurora G. Querri, RN, OIC, Director, Health Programs and Services Department, Philippines Tuberculosis Society Inc.; Dr. Jennifer Ann Wi ng DDVMH; Dr. Athur Sy ng Region 1 Medical Center; Dr. Maria Julita De Venecia CHO I; Dr. Jamaica Caldona, Medical Officer III; Dr. Genelyza Theresa Garcia, Dr. Richmond Batulan, Dr. Joseph Molano, Ms. Cristina Cayabyab Nurse V; Precious L. Santillan, Nurse I; Rudolph Joseph V. Guillen, Nurse and TB coordinator; Ms. Marla Grace Lomibao, Pharmacist III; Office of the Senior Citizens Affair personnel, barangay officials, BHWs at mga volunteers.
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1312487757000246&set=a.392575808991450



