Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez, kasama ang City Agriculture Office, led by Chief Mary Ann Salomon, ang pamamahagi ng palay seeds at fertilizers para sa ating 140 magsasaka sa City Plaza ngayong Miyerkules, Disyembre 17.
Ang mge benepisyaryo ay mula sa Barangay Salisay Mangin at Malued ng certified at hybrid palay seeds, gayundin ng ammonium sulfate at complete fertilizer bilang bahagi ng Awarding of Livelihood Assistance na isinagawa sa tulong ng Department of Agriculture.
Layunin ng programa na makatulong sa agarang pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyong Uwan at maibalik ang kanilang kabuhayan.
Sa kanyang mensahe ibinahagi ni Mayor Belen na may karagdagang tatlong libong pisong tulong pinansyal mula sa national government sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. gayundin ang pamamahagi ng Noche Buena package para sa mga rehistradong magsasaka bilang pagkilala at suporta sa kanilang mahalagang papel sa pagpapalakas ng produksyon ng palay sa bansa.
Ayon sa alkalde, “Pamilya ang Puso ng Pasko.” Dahil dito inilaan ng lungsod ang buong buwan ng Disyembre para sa tuloy tuloy na pag abot ng tulong sa lahat ng sektor ng lipunan lalo na sa mga naapektuhan ng sakuna bilang bahagi ng malasakit at pagkakaisa ng pamahalaang lungsod ng Dagupan.



