The Official Website of the City Government of Dagupan

π—¦π—§π—”π—§π—˜ 𝗒𝗙 π—–π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—§π—¬ π——π—˜π—–π—Ÿπ—”π—₯π—˜π—— π—œπ—‘ π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘

DEKLARADO na pong nasa ilalim na ng State of Calamity ang buong Lungsod ng Dagupan dahil sa matinding pinsala at patuloy na banta na dulot ni Super Typhoon Uwan (Fung-Wong). Ito ay isang panawagan sa pagkilos at pagkakaisa.

Sa kasalukuyan, inuuna ng Pamahalaang Lungsod ang kaligtasan ng bawat pamilya, ang agarang rescue at paghahanda para sa mabilis na relief operations, at upang agad na makabangon ang mga apektadong komunidad.

Lahat ng tanggapan ay patuloy na nagtutulungan upang maibalik ang kuryente, tubig, komunikasyon at iba pang pangunahing serbisyo.

Sa gitna ng unos, ipakita po natin ang katatagan at kabayanihan ng mga DagupeΓ±o, may tapang sa gitna ng takot, malasakit sa gitna ng hirap, at pananampalataya sa gitna ng kawalan. Sama-sama tayong babangon dahil ang puso ng Dagupan ay ang kanyang mga pamilya.

The declaration of State of Calamity was approved this afternoon, Monday, November 10, 2025.

https://www.facebook.com/SPDagupanCity/posts/pfbid02NbRwhHdnoZHkBUJLUXc2Kv9X49BweqZ47edZsZNoJFkCbF4MhtZFJjUnALpMScdUl

Related Articles

8 October 2026
LGU, SDO DAGUPAN CITY CELEBRATE 2026 WORLD TEACHERS' DAY
28 September 2026
DPWH SEC. DIZON, TODO AKSYON SA BAHA NG DAGUPAN
26 August 2026
[SAFEnet FOR MOBILITY] PROJECT LINAW MATA πŸ‘οΈβ€οΈ