BILANG PAGGUNITA SA IKA-35 TAON NG 1990 LUZON EARTHQUAKE na yumanig sa Dagupan noong Hulyo 16, 1990, sabay-sabay na nag-alay ng taimtim na panalangin ang buong Lokal na Pamahalaan ng Dagupan, sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez, para sa proteksyon at kaligtasan ng lungsod laban sa anumang sakuna o kalamidad.
Sinimulan ang paggunita sa pamamagitan ng sabayang pagtunog ng mga emergency sirens sa buong Dagupan ganap na alas-tres ng hapon, na tumagal ng 30 segundo.
Sinundan ito ng isang taimtim na panalangin para sa kaligtasan ng bawat Dagupeรฑo, na nilahukan ng mga kawani ng pamahalaan, mga paaralan, at buong komunidad ng Dagupan.
Nagbahagi rin ng kani-kanilang karanasan ang ilang lokal na kawani na naging saksi sa naranasang magnitude 7.8 na lindol noong 1990, isa sa mga pinaka-mapaminsalang lindol sa kasaysayan ng ating bansa.



