Sanib-pwersa ang LGU-Dagupan disaster management and response teams, national government agencies, frontliners at barangay council sa pamamahagi ng DSWD relief packs para mga apektadong pamilya sa mga barangay ngayong Huwebes, July 24.
Bago ito, una na ring naghatid ng tulong ang siyudad sa pangunguna ni Mayor Belen T. Fernandez sa mga evacuation centers dala ang mga food packs, bigas, tinapay, iba pang food and non-food items at hygiene essentials sa mga evacuees, gabi ng Miyerkules, July 23.
Kasunod ito ng deklarasyon ng Dagupan ng State of Calamity mula sa epekto ng malawakang pag-ulan na dala ng masamang panahon at pagbaha mula sa pag apaw ng tubig sa ilog at hightide.
Sa mensahe ni Mayor Belen, kanyang pinasasalamatan ang DSWD sa mabilis na pagpapadala ng tulong para sa Dagupan.
“WE WOULD LIKE TO THANK DSWD FOR THE QUICK RESPONSE IN PROVIDING RELIEF ASSISTANCE. We, together with Vice Mayor BK Kua and the entire majority council, are working to ensure fast delivery of relief goods to the barangays”.
Nananatiling naka alerto ang LGU sa sitwasyon ng lahat ng 31 barangays bunsod ng iniwang pinsala ng bagyong #CrisingPH at nararanasang sa epekto ng kasalukuyang bagyong #DantePH at #EmongPH sa lungsod.
Pinapayuhan ang lahat na maging handa. Makinig sa otoridad at siguruhing ligtas ang bawat pamilya.



